"The exploiters inevitably
transform the state (and we are speaking of democracy, i.e., one of the forms
of the state) into an instrument of the rule of their class, the exploiters,
over the exploited. Hence, as long as there are exploiters who rule the
majority, the exploited, and the democratic state must inevitably be a
democracy for the exploiters... Another truth: there can be no real, actual
equality until all possibility of the exploitation of one class by another has
been totally destroyed."
- Vladimir Lenin, Political
Equality (1918)
Sa ilalim ng Konstitusyon natin
Artikulo II, Seksyon 26 nakasaad: “The State shall guarantee equal
access to opportunities for public service and prohibit political dynasties as
may be defined by law.”
May
mga depekto kung bakit nagkakaroon at namimintina ang Political Dynasty sa
bansa natin.
Ang
unang depekto nito ay ang napakataas na pagkakalayo-layo ng bahagdan ng uri sa
ating bansa
Ang
ikalawa ay nasa Konstitusyon.
At
ang ikatlo ay ang sistemang pulitikal o ang struktura ng pamahalaan.
Ang pagbabawal sa Dinastiya sa
Pulitika ay nakabase sa ating Konstitusyon ngunit hindi ito binigyan ng tumpak
o eksaktong kahulugan. Sa madaling
salita, kailangan pang gumawa ng batas ang Kongreso upang mabigyan ito ng sapat
na kahulugan kung sa gayon ay tuluyan na maipagbawal ang ganitong praktika sa
pamumulitika sa ating bansa. Noong nakaraan may isang kasong na desisyunan ang Korte Suprema, Navarro Vs. Ermita (G.R No. 180050) at isa sa mga huwes ay nag komento tungkol sa Political Dynasty at ito ang kanyang komento: "Political Dynasty is a "phenomenon that concentrates political power and public resources within the control of few families whose members alternately hold elective offices deftly skirting term limits".
Ang Pulitikal
na Dinastiya o Political dynasty sa aktwal na praktika sa ating bansa ay ang
pag mimintina ng pulitikal na kapangyarihan sa iilang pamilya o pagsasa
alang-alang o pagpasa ng pulitikal na kapangyarihan sa mga kamag-anak ng isang incumbent
na kandidato. Ang ganitong sistema ng
pulitika ay nakasanayan na sa bansa magmula pa noong maitatag ang Republika ng
Pilipinas na kung saan ang kapangyarihang pulitikal ay nasa iilang kamay o
pamilya lamang. Pero papaano ba ito
nagagawa ng iilang pamilya lamang. Sa
pamamagitan ng ekonomiyang kapangyahiran, kontrol at manipulasyon sa likas na yaman ng
bansa. Ika nga, Kung sino ang mayaman
siya ang may pinakamalaking tsansa na manalo bilang pinuno ng bansa. Mapapansin rin natin na iilan lamang o
mahigit sa nobenta porsyento ng ari-arian o likas na yaman ng bansa ay nasa sampung
porsyento ng populasyon lamang at ito ay ang mga negosyante na nagiging
kandidato o may kakayahang patakbuhin ang kung sino man ang gusto nitong
patakbuhin sa pulitika.
Malaking
halimbawa na dito ay ang ating pangulo na si Benigno Simeon “NoyNoy” Aquino III
na galing sa iilang makapangyarihang pamilya sa bansa at nanggaling rin sa dinastiyang
pulitikal na pamilya. Nagiging posible
ang ganitong sistemang pulitikal sa bansa dahil sa struktura ng pamahalaan o
gobyerno natin. Ang sitemang pulitika o
straktura ng pamahalaan natin ay isang republika at unitaryong gobyerno
(kumbaga, highly centralized ang ating pamahalaan). Ang depeksyon ng sistemang ito ay mailalapat
natin sa eleksyon. Lahat tayo ay alam na
bumuboto tayo ng isang kandidato, partikular na sa pagka senador sa
pangkalahatan, di bale na hindi natin sila kilala, hindi man galing sa ating
rehiyon, lalong-lalo na pag kilala, may maraming pera o popular ang isang
kadidato ay boboto tayo. Dito tumutubo
ang isang Pulitikal na Dinastiya sa pagkat ang ating mga inahahalal na mga
lider ay hindi natin mismong pinili mula sa ating pangkat rehiyon o mismong
hindi natin kilala at pinili ng mula sa puso.
Ano ang alternatibong Solusyon?
Tatapusin ba natin ang Political
Dynasty? Ang ganitong tanong ay na aaply
lamang sa mga unitary o may highly centralized na gobyerno. At ito ay hindi mali ng mga tao na
bumoto. Ang mali ay nasa depekto ng isang
sistemang pulitikal o struktura ng gobyerno.
Wala nang iba pang solusyon dio kung hindi System Change, People
Change. Sa madaling salita baguhin natin
ang porma ng gobyerno sa Pilipinas tungo sa isang desentralisadong gobyerno o
isang Pideral (Federal). Pero sa anong
pamamaraan natin tatapusin ang Political Dynasty?
Una, sa ilalim ng isang Pideral
na gobyerno, magkakaroon tayo ng transformation sa lokal na pamahalaan tungo sa
estado o regional state na kung saan mabibigyan ang bawat estado ng lubos na
karapatan, soberanya at awtonomiya sa kanilang pulitikal, kultural, ekonomya,
at hudikaturang aspeto. Para mabigyan
ng oportunidad sa pamamahala sa kanilang pulitikal na pamamahala, likas na
yaman, at komunidad.
Pangalawa, sa estadong Pideral na
may sariling pang-gobyernong institusyon na ang kahulugan ay malaya silang
magkaroon ng sarili nilang kongreso, hudikatura at konstitusyon.
Pangatlo, magkakaroon tayo ng
pagkakapantay-pantay sa representasyon sa senado na kung saan ang isang rehiyon
ay hindi na kailangang bumoto ng senador sa pangkalahatang rehiyon kundi galing
na mismo sa kanilang rehiyon. Mayroon
nang reserba na dalawang upuan para sa mga senador sa bawat rehiyon sa
senado. Sa ganitong paraan hindi man
sagad pero mas malaki na ang puntos na hindi mahuhuli sa representasyon ang
kalakhang rehiyon kumpara sa ngayon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento